sad one month

wednesday din noon.

 isang buwan na ang lumipas.

ang mga pinakamlungkot na araw nang buhay ko…

nawala ang dadi ko. napaklungkot ng gabi na yun at paulit ulit sa isip ko ang mga nagyari sa kanya.  napakasakit na alaala. walang kasing sakit at bawat gabi ay naiiyak ako tuwing naaalala kong wala sya sa kama nya dahil ang totoo ay wala na sya. wala na.

wala nang naghuhugas nang pingan.

wala nang nahihiga sa sala.

wala nang bumabangon nang madaling araw.

wala na akong binibilihan nang gatas.

wala nang nagsasara nang bintana.

wala nang nagbabasa nang dyaryo.

wala nang nakaupo sa labas nang bahay.

wala nang nanunuod ng tennis, basketball, american idol kaya hindi narin ako nakakanuod.

napakasakit dahil  wala nang gumagawa nang mga munting alaala yun.

wala nang daddy. wala na ang daddy ko.



Leave a Comment

You must be logged in to post a comment.